Ang Elevator. *bow*

May elevator kasi sa school namin. Yes, oo, kahit State U kami, may elevator din naman po kami. Hanggang 6th floor kasi ang Main building. So para sa kapakanan ng mga matatandang prof at ng mga tamad na estudyante, may elevator kami. :”> Hihihi. Nung una, nung first year palang kami, naniniwala akong bawal kaming sumakay dun. Tapos nung tumagal na, wow, pakapalan ng mukha, ay hindi naman. Pa-swertehan nalang kung maabautan mo na wala yung bantay sa elevator na sasabihan ka na “Bawal kayo dito.” Lakas mang-reject ni Kuya. So simula nun, lagi na kaming umaasa na wala yung bantay, o di kaya walang makakasabay na prof na nag-aabang. Sa 6th floor kasi yung department namin. 

So ang kwento, kanina kasi, walang elevator. I mean, meron pa din naman. Hindi lang gumagana. Sa first floor, nakabukas lang siya. Tengga ba. So sabi namain, baka out of order. Nung nasa 6th floor kami at bababa sana kami para bumili ng pagkain, sinubukan naming mag-elevator. Dahil nakalimutan naming sira pala, ito yung dinatnan namin:

Ang drama drama lang ng message na to sa elevator. Tawa kami ng tawa hanggang pagbaba. Kasi naisip pa ng mga estudyante samin na lagyan ng ganun. Nakakatawa lang. Ako lang natatawa alam ko. Hahahaha. Ang emo kasi. Pero in the end, naghagdan kami pababa kasi nga, wag daw mag-intay sa mga di darating. :p