Ten Rules for a Happy “User”

  1. Never both be angry at the same time.
  2. Never yell at each other unless the house is on fire.
  3. If one of you has to win an argument, let it be your Panginoon.
  4. If you must criticize, do it lovingly.
  5. Never bring up the mistakes of the past.
  6. Neglect the whole world rather than each other.
  7. Never go to sleep with an argument unsettled.
  8. At least once every day say a kind or complimentary word to your life friends.
  9. When you have done something wrong, admit it and ask for forgiveness.
  10. Remember it takes six to make a quarrel.

Naalala ko lang bigla tong nakalagay sa regalo sakin ni Sir peterifik nung birthday ko. Isa kasi siya sa mga fans naming magbabarkada. Hahaha. (At jsyk, Users po ang pangalan naming magkakaibigan. Kaya Ten Rules for a Happy User, pinalitan niya yung Happy Marriage ng Happy User. Ayun lang.) Nakasabit siya ngayon sa kwarto ko. Yung mga naka-italicized na words, pinalitan lang yun. Syempre tungkol nga sa marriage talaga yang mga yan. Nabibili siya sa Papemelroti, kung gusto mong tingnan. Hahaha. Pero nagtataka ako bakit dun sa Rule # 10, nakalagay, it takes six to make a quarrel. Eh 7 kami. So, taga-awat yung isa? Ewan, whatever. Hahaha. 

Bigla ko lang naman naalala to at naisipang ishare kasi malapit ko na naman silang makita. 18 days to go~ Hahaha. Saka siyempre, pwede din siyang i-apply sa lahat ng magbabarkada out there. Treasure your friends, kahit minsan, naggagamitan nalang kayo. ♥

Hinanap ko pa talaga yan sa Timeline ko. Bakit kasi Users pangalan ng grupo namin ng mga kaibigan ko ngayong College. Ayan pala yun. :)

Nag-gagamitan lang kasi kami. At tanggap namin yun. ♥

Si Forever Classmate

Busy akong nag-cocomputer nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Forever Classmate.

Text niya: reign?

Dahil hindi ako unli, nag-unli ako. Feeling ko may sasabihin to sakin. Kaya text kagad ASTIGTXT15 to 8888

Reply ko sakanya: Yiz? :)

Siya: may extra load ka? papasa namang dos o, o kaya kahit piso lang. kelangan lang talaga~

Ako: 2 send to 2916***********************

Siya: keri na. salamat reign. ang bait mo talaga.

Akala ko naman kung ano na sasabihin niya. Napa-unli tuloy ako bigla, na balak ko eh sa Sabado pa. Pero okay lang, mahal ko naman yun eh. Dahil sa kanya, hindi ako nafo-forever alone tuwing school days. ♥

Impeachment Trial

Culpable violation of law. Betrayal of public trust. Bribery. Treason. Graft and corruption. Other high crimes. 

Kinabisado ko yan last sem, kasama sa exam sa subject naming Politics and Governance with Philippine Constitution, o PolGov. Nakakatuwa lang na nakakarelate ako sa mga pinagsasabi ng mga Senator Judges, ng Prosecution at Defense panel, ng mga witness, at ni ex-CJ Corona. Nung Impeachment kasi ni Erap, hindi ako makarelate nun at naboboring-an ako. Bata pa kasi ako nun. Parang yung mga pinsan ko, 13 years old sila pareho. Naglilipat kami ng channel sa TV, tas nung natapat sa impeachment, sabi nila, “Ano ba yan, hindi ko naman maintindihan yan. Magulo.” Naisip ko maiintindihan din nila yun someday. ;D

Napanood ko yung ‘episode’ kanina, yung ‘finale’ ba ng trial. Yes, lakas maka-Koreanovela. Hahaha. Hindi ko lang natapos yung speech ni Enrile kasi nakatulog na pala ako. Bet ko magsalita si Alan Peter Cayetano, pati si Miriam syempre. Bukod sa magaling magsalita, madadala ka sa mga sinasabi nila. I mean, matatawa ka, mapapaisip ka na tama o may point sila. Tama yung sinabi kanina sa napanood ko, plus factor daw sa pagsasalita ng mga Senator Judges yung mga nagtatagalog o sinisingitan ng Filipino yung speech nila. Para nga naman mainitindihan ng lahat. 

Boring ang impeachment sa mga taong hindi interesado dito. Pero nakaka-excite siya sa mga taong may interes dito. Sa hinaba-haba man ng proseso, natanggal man sa pwesto si Corona, mahirap pa din ang Pilipinas, pinag-aagawan pa din ang Scarborough Shoal, may mga bata pa ding nagugutom at hindi nakakapag-aral, malaki pa din ang populasyon ng bansa, pero at least, may improvement. Antay-antay lang tayo. 

Akala ko noon, ordinaryong tao lang ako.

Pero natuklasan ko may power pala ako.

INVISIBLE ako…

sa paningin ng crush ko. 

Siya na ang may Gay Meter

Ka-chat ko yung bespren kong lalaki, chika here and there, hanggang sa nabanggit niya yung mga crush kong sinabi ko sa kanya. 

Siya: Masungit ba talaga si *insert name ni crush here*?

Ako: Ewan ko dun. Tingin mo bading yun?

Siya: Hindi ko maamoy. Penge nga ulit link. Si *insert name ni isa pang crush here* parang bakla eh.

Ako: Pano ba malalaman? Tips naman diyan para aware ako!

Siya: Ang hinala ay una lang. Sa pagsasamahan maco-confirm. Mafe-feel mong may something.

Ako: Ano yung something?

Siya: Sa aura. Basta, mafefeel mo nalang. Si *insert name nung unang crush here* parang beki, kaso mahirap ma-confirm.

Ako: Ohhhhhh~

Hindi siya bading pero alam niya yun. Pati fashion statement, alam niya kung pangit o hindi. Feminine lang talaga siguro. 1% nagdududa ako, 99%, hindi. :”> HAHAHAHA.

What grades determine:

butitmight:

  • Your ability to memorize mostly useless things
  • Your ability to regurgitate information in the way others want you to
  • Your ability to understand what adults want from you and give it to them
  • Your tolerance for working on tasks you don’t find useful because others want you to do them or believe them to be helpful/socially acceptable

What grades do NOT determine:

  • Your intelligence
  • Your creativity
  • Your emotional capabilities
  • Your likeliness to succeed
  • Whether you’re a good person

(via psychology2010)

Ang gwapo lang ni Captain America

First time ko siya na-meet nung nanood kami ng The Avengers last Tuesday. Hindi kasi ako nanood nung movie na Captain America last year. At hindi ko pa napapanood yun. Ang loser ko lang.

So yun nga, bukod sa gwapo si Chris Evans, lalo na kapag naka-Captain America suit siya, eh nagustuhan ko yung movie. Noong una, medyo boring siya (siguro dahil na din hindi ko alam yung flow ng kwento at bawat kwento ng bawat avenger) tapos nung medyo gitnang part na eh naintindihan ko na siya. Sayang lang talaga at hindi ko napanood yung movie nila Ironman, Captain America at Thor. Si Hulk lang yung ka-close ko. Hahahaha. All in all, maganda yung movie. Astig. Second favorite ko siya after ng The Hunger Games. Yun yung dalawang movie na parang ayaw kong panoorin sa dvd o sa internet, dapat sa sinehan lang. Maganda kasi yung effects nila pag sa sinehan. 

Natutuwa lang ako sa kwento ng The Avengers. Para lang silang magbabarkada kung mag-usap. Magkakaibigan na may pinagkakasunduang gawin. Lalo na dun sa scene na sinabihan sila isa-isa ni Captain America ng kanya-kanya nilang gagawin, tapos sumunod naman sila. Basta, nakakatuwa. Hindi siya pure action. Comedy din. Lalo na si Ironman. Sana ipalabas to saka yung Hunger Games sa Film Fiesta sa SM in the future. Papanoorin ko talaga ulit to. ♥

(via littlemissqueer)

Unlimited swimming

Dalawang magkasunod na araw na kong nagsswimming. Hayok kasi yung pinsan kong galing abroad. Kararating lang namin kahapon dito sa Quezon pero gusto niya swimming na kagad. So gora kami kahit medyo pagabi na nun. Hanggang 12mn. Para namang marunong akong lumangoy. Hahaha. Pero okay lang, bonding naman kasama mga pinsan ko. :’) Nakakatuwa lang. Tapos best bonding talaga para sa mga kamag-anak ko, inuman. Masama man sa paningin ng iba, masaya naman para sa amin. Saka ko ikkwento kung gano ko kaswerte sa pamilya ko. Sa mother’s side yun, pati na din sa father’s side. Ang korni lang ng sinasabi ko. Nayayamot ako. Hahahaha. 

Tapos magswimming daw uli bukas. Sa malapit sa bundok, parang bukal something yun. Bahala na kung sasama. Nakakapagod din maglakad sa pool. -___- 

Mas natutuwa ako pag picture yung pinopost ko

Kasi hindi na ko nahihirapang magpaliwanag o magkwento. Although may caption naman akong nilalagay na parang nagkkwento na din ako, basta. Para sakin mas maganda pag picture. Bakit? Ewan ko. Photo blog? Hindi rin. Yung pictures kasi, lalo na kung kasama ka sa picture na yun, maaalala mo na yung kwento sa likod nun. At kahit ipakita mo yan sa ibang tao, hindi man nila malaman yung buong kwento ng isang picture mo, magkakaroon na sila ng idea kung anong kwento nun. Makikita kasi yon sa emosyon nung mga tao sa picture. Saka pag nakakakita ako ng isang picture na kinunan ilang buwan o taon nang nakakalipas, naalala ko pa din yung panahon kung kelan, o bakit, o pano kinuhanan yung picture na yon.

Yung araw na feeling namin eh may photoshoot kami. Feelingera eh. :)

Salamat sa tripod para sa isang maayos na kuha; sa liwanag ng kapaligiran para sa pagpapaputi sa aming mukha; at sa mga natural naming ganda. ♥

 “Uy, picture tayooo!” - Len

Hindi siya nagsasawang sabihin samin yan. Lalo na kapag camera ni Joana yung dala. O kaya kahit camera niya. O kahit camera ng iba naming blockmate, hihiramin niya. Eto naman kaming anim, pag nasa mood, magpapapicture din. Bat ba, natutuwa lang ako eh. Tapos saming pito, si Patria lang yung kahit anong itsura sa picture, kahit naka-nganga daw eh maganda pa din tingnan. Pag kaming anim na, mukhang tanga na. =)))) May himala kapag labas yung ngipin ni Divine pag nag-smile. Mas matindi yung himala kapag maputi ako sa picture. ♥

*Insert title here*

Nag-browse ako ng mga pictures sa Fb nung isang gabi ata. Sa album ko, o sa album ng ibang friends ko. Tapos nakita ko tong picture na to.

First year pa to. First sem. General Freshmen Orientation yan. Orientation pala para maging aktibista. Haha. Lol. Basta yun, sila pala yung mga nauna kong nakasama pagpasok ko sa PUP. Si Divine, yung naka-blue, siya si Forever Classmate na nakkwento ko dito. Classmate na kasi kami simula 2nd year High School. Di kami masyadong close nung HS. Pero sobrang tuwa ko nung nalaman kong sa PUP sya mag-aaral na kapareho pa ng course ko. Syempre, hindi ako magiging forever alone, naisip ko. Bait talaga ni Papa God. :)

Tapos yung naka-brown eh si Lenille. Len nalang, di na ko sanay na tawagin siyang Lenille. Ayun, siya yung forever president na ata ng block namin. Volunteer eh. Hahaha. Pano namin siya nakasama ni Divine? Naalala ko lang eh nag-lunch kami one time kasama siya. Ay, seatmate pala namin siya sa isang subject. Sociology yun. Tapos yun, tinanong niya kami kung gusto naming sumabay maglunch sa kanila ni Wiwan na hs friend naman niya. Sabi namin sige. Syempre, hindi naman pwedeng forever kaming dalawa lang ni D magkasama. Haha. Kaya ayun, ayan siya, kasama namin nung Orientation. :”>

Ewan ko kung kailan pa yung mga panahong kasama ko silang dalawa. Si D siguro araw-araw. Sabay din kaming pumapasok niyan eh. Sweet no? Hahaha. Hanggang sa nadagdagan pa yung mga friends namin ni D sa block namin. At ewan ko kung pano, na hanggang ngayon eh kami kami pa din magkakasama. Shet ang arte ko lang. Nakakatuwa lang kasi, bukod kay D na lagi kong kasama, nagkaroon pa kami ng group of friends, na kung saan kasama pa din namin si Len. Hindi na lang kaming tatlo, pito na kaming magkakasama sa kung anu-ano. (Magpopost ako tungkol sa kanila mamaya) Nakita ko lang kasi uli tong picture na to at natawa ako sa mga itsura naming tatlo. Mas tao na kaming tatlo ngayon kumpara dyan. Tapos sa susunod, dyosa na itsura naming tatlo. ♥

Papa Alec

Oo, yung sa PBB. Nung pinapanood namin ng mga pinsan ko yung opening netong edition na to, siya yung inaabangan ko. Yung sa mga teasers kasi, siya yung madalas kong naabutan. Chinitong ek ek daw, basta yun. Di pa pinapakita mukha, feeling ko gwapo na. Tapos yun, nung lumabas na siya, sabi ng mga pinsan ko, “Ay, hindi naman pala gwapo.” Hindi nga, sabi ko. Mas gwapo sa paningin ko yung ibang HMs. Sabi ko, maputi lang si Alec. Maputi din naman yung iba ah? Haha.

Tapos hanggang sa madalas ko nang napapanood yung Pbb. Di na ko na-gwapuhan dun sa iba kasi di ko bet ugali nung iba (nangibabaw kasi sakin yung isyu na scripted na yung pbb) na kada galaw nung iba eh scripted. Sorry ha, opinion ko lang naman eh. Saka tatagal pa sila dyan sa bahay, makikita ko pa kung totoo nga yung iniisip ko. Ayun nga, hanggang si Alec nalang yung natirang ‘gwapo’ para sakin. Hindi na sa mukha, kundi sa ugali niya. Bukod sa ang galing niya magsalita, mag-advice, at mag-isip, ang talino din niya. Kuyang-kuya ang dating niya sa ibang HMs. At yun ang nakakatuwa. Siya nalang inaabangan ko kaya nanonood pa din ako nun. Pati pala yung kambal. 

Nakakatuwa lang kasi yung personality niya. Yung madadala ka sa mga sinasabi niya, kasi ang ‘real’ niya mag-isip. Yung para sa kanya may ibang bagay na mas mahalaga kesa sa pagkakaroon ng crush sa bahay o ng love love ek ek na yan. Nakikita ko si Robi saka si Mikee Lee sa kanya ngayon. Basta, 17 or 18 man siya, bagay pa din kami idol ko pa din siya.

#personal  #pbb  #alec  #opinion